mahal kita
masakit mang malamang hindi mo ako mahal..
malamang ako sayo'y bale wala lang..
ngunit kahit ganon pa man..
patuloy parin ako sayoy nagmamahal..
Hanggang kailang ba ako magpapakatanga?
dito sa aking nadarama..
na alam ko namang walang patutunguhan..
Alam kong hangga't hindi ako bumibitaw..
Patuloy parin ako sa katangahan..
Hindi ko naman hinihiling na ako'y mahalin mo rin..
ang aking gusto lang naman ay ako'y iyong pahalagahan..
nang sa gayon akoy maging masaya narin..
Alam ko namang wala na ako sayo..
Pero di mo man aminin, naging parte rin naman
ako ng buhay mo.kaya kahit papaano
masaya narin ako..
MAHAL KITA!
Mahal na kita, nang una pa lang..
Sana, hindi nalang kita nakilala..
nang sa gayon hindi na ako nasasktan..
pero sa totoo lang..itoy ginusto ko rin nman..
kaya ganto nalang aking panghihinayang..
Hanggang saan, hanggang kailan..
itong aking nararamdaman..
alam kong itoy panghabang buhay..
dahil kailan man, ikay aking mahal..
ayaw na ng utak ko..pero patuloy
parin tong puso ko..
MAHAL KITA..MAGPAKAILANMAN..
TABZ QO..
04/11/10